Naipamahagi na ng COMELEC ang halos 100% na ng vote counting machines (VCMs) na gagamitin sa May 9 elections.
Sinabi ni COMELEC commissioner george garcia na naipamahagi na ang VCMs na sumakto naman sa final testing at sealing ng VCMs mula May 2 hanggang 7.
Kaugnay nito, hinimok ni Garcia ang publiko, poll watchers at kinatawan ng mga political parties na magtungo sa mga presinto sa buong bansa para personal na masaksihan ang testing ng VCMs na magpi-print ng zero receipt na nangangahulugang wala itong laman.