Halos isanlibong (1,000) bagong kaso ng HIV infection ang naitala ng Department of Health o DOH sa buwan ng Hunyo.
Ayon sa HIV AIDS Registry of the Philippines, ang 993 bagong kaso ng HIV ay mas mababa kumpara sa mahigit isanlibong (1,000) kaso na naitala noong June 2017.
Ipinabatid pa ng DOH na 77 HIV-related deaths ang naitala sa nakalipas na buwan lamang ng Hunyo.
Sa mga bagong kaso ng HIV, 94 porsyento o 934 ay mga kalalakihan, apat ang mga babae na na-diagnosed na may HIV noong buntis sila.
Tatlong kaso naman ay mula sa National Capital Region o NCR at isa ay mula sa Region 7 Central Visayas kung saan nananatiling pangunahing mode of transmission ng HIV ang sexual contact na nasa 98 porsyento.
Samantala, pitong indibiduwal ang nakakuha ng virus dulot ng needle sharing ng drug users at dalawang kaso naman ang naitala na dahil sa mother to child transmission.
—-