Halos 1,000 bahay ang napinsala habang tatlong indibidwal ang nawawala o missing matapos sumiklab ang wildfire sa estado ng Colorado sa Amerika.
Ayon kay Boulder County Sheriff Joe Pelle, maliban sa mga nawawala, napinsalang mga ari-arian at mga puno ay napilitan ding lumikas sa mas ligtas na lugar ang libu-libong mga residente.
Bukod naman sa mga nawawala, pinangangambahan na maraming mamamayan ang nasawi sa trahedya.
Nabatid na ito na ang sinasabing pinaka-mapaminsalang wildfire sa kasaysayan ng Colorado.