Nasunog ang halos 1,000 kabahayan sa Brgy 155 at 160 sa Tondo, Maynila ngayong unang araw ng bagong taon
Ayon kay Bureau of Fire Protection Manila Arson Investigator SFO2 Sonny Lacuban, 3,000 pamilya ang naapektuhan ng naturang sunog na nagsimula kaninang 3:05 ng madaling araw at umabot ng general alarm bago idineklarang kontrolado 10:00 ng umaga.
Sinasabing nagsimula ang sunog dahil sa watusi na tumalsik umano sa isang abandonadong bahay sa Raja Bago Street .
Mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa laong nasa St., m Dizon St at Dagupan extension at maging ang barangay hall ng Brgy 155 ay nasunog din.
Sa isang covered court muna pansamantalang naninirahan ang mga naapektuhan ng sunog na umaapela ng tulong dahil wala silang naisalbang gamit.
By: Judith Larino I Aya Yupangco