Tinatayang nasa halos isanlibo (1,000) pang mga pasahero ang stranded ngayon sa iba’t ibang pantalan sa bansa.
Batay sa datos ng Philippine Coast Guard o PCG, pinakamaraming stranded na pasahero sa Cebu Port na mayroong animnaraan at tatlumpu’t lima (635) na sinundan ng Pasacao Port sa Camarines Sur na mayroong isandaan at dalawampu’t dalawa (122).
Sa Batangas naman, hindi pa rin pinayagang makabiyahe ang dalawampu’t anim (26) na pasahero sa Tingloy Port habang tatlumpu (30) naman sa Calatagan Port.
Samantala, stranded pa rin sa Quezon ang pitumpu’t siyam (79) na pasahero sa Real Port at tatlumpu’t apat (34) naman sa Infanta Port.
—-