Halos 1,000 na ang nagkaroon ng negatibong epekto o nagkasakit matapos bakunahan ng Dengvaxia, simula Marso 18 hanggang Agosto 20 noong isang taon.
Ayon sa Department of Health, mula sa nasabing bilang, 30 ang ikinukunsiderang grabe at kinailangang isugod sa ospital.
Apat naman ang namatay makaraang bakunahan subalit pinag-dedebatehan pa kung kinalaman ito sa immunization program.
Aminado naman ang D.O.H. na hindi sumailalim o nagsagawa ng autopsy kaya’t wala pang beripikasyon kung ang bakuna ang dahilan ng kanilang ng kanilang kamatayan o komplikasyon ng ibang sakit.