Naitala ang nasa halos 100,000 ang napasong rehistro ng baril ngayong taon sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Dexter Versola, tagapagsalita ng NCRPO na ilan sa mga napasong baril ay pag-aari pa ng ilang mga pulis .
Batay sa datos, pinakamaraming loosefirearms na naitala ay sa lugar na sakop Ng Southern Police District na umabot sa mahigit 31,000, sinundan naman ng Quezon City Police District (QCPD) na may 38,000.
Dagdag ni Versola, nagsagawa naman sila ng OPLAN KATOK pero mahigit 1,300 pa lamang ang na-renew ang rehistro.
Dahil dito, plano ng NCRPO na maglunsad ng one stop shop sa iba’t ibang district headquarters ngayong buwan ng Setyembre.
Gayunpaman,umaasa naman ang ncrpo sa mga gun owners na magiging responsable sila para maiparehistro ang kanilang mga baril.