Halos 100,000 pasahero ang dumagsa sa iba’t ibang pantalan sa pagtatapos ng Semana Santa.
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman, Capt. Armand Balilo, pinaka-maraming naitalang maritime passenger sa Western Visayas na aabot sa mahigit 17,800;
Southern Tagalog, mahigit 16,500 at Davao, 12,000 habang inaasahan pa hanggang ngayong araw ang pagdating ng iba pang mag-u-uwian mula sa mga probinsya.
Wala naman anyang naranasang aberya sa mga seaport noong Mahal na Araw.