Hindi bababa sa 100.2 million sim cards ang nairehistro na sa kani-kanilang telecommunications service providers, isang buwan bago ang deadline ng extended sim registration.
Sinabi ni Department of Information and Communications Technology Assistant Secretary for Cybersecurity and Upskilling Jeffrey Ian Dy na “significant” ang bilang ng mga rehistradong sim at naabot na ang ahensya sa kanilang soft target.
Nabatid na noong Abril ay inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang 90-day extension ng sim registration period hanggang July 25, mula sa orihinal na deadline ng april 26.
Ang Sim Card Registration Act ay naglalayong wakasan ang mga krimen gamit ang platform kabilang ang mga text at online na scam sa pamamagitan ng pag-regulate sa pagbebenta at paggamit ng mga sim sa pamamagitan ng pag-uutos sa pagpaparehistro sa mga end-user.