Pasok pa rin sa “margin of error” at kumakatawan lamang sa maliit na porsyento ng kabuuang bilang ng mga balota ang depektibo.
Ito ang inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez ukol sa tanong na kung malaking halaga ng pera ang nasayang dahil sa may sirang mga balota.
Matatandaang sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na ang mga depektibong balota ay susunugin sa harap ng mga kandidato, political parties at kanilang mga kinatawan.
Samantala, hindi bababa sa 82.4% o 55, 579, 298 na mga balota mula sa 67, 432, 616 na kabuuan nito ang naimprenta na ng National Printing Office (NPO). —sa panulat ni Airiam Sancho