Halos 10,000 business establishment ang bigong makasunod sa safety and health standards para maprotektahan ang mga empleyado.
Ipinabatid ito sa budget hearing sa Kamara ni Labor Assistant Secretary Maria Teresita Cucueco matapos inspeksyunon ang halos 41,000 establishments.
Sinabi ni Cucueco na katuwang ng DOLE ang DTI at ilan pang kinauukulang ahensya ng gobyerno ang tutulong sa mga nasabing kumpanya na maayos ang kanilang paglabag sa health standards.
Kasabay nito isinulong naman ni Congressman Christopher De Venecia ang mga negosyo na sanayin ang kanilang mga empleyado bilang health officers sa gitna na rin ng pandemic.