Halos 10,000 mga batang edad 5 hanggang 11 ang nabigyan ng COVID-19 vaccine sa initial rollout ng pediatric vaccination para sa nasabing age group.
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroong 32 sites para sa COVID-19 vaccination ng nabanggit na age group kung saan nasa 9,784 mga bata ang nabakunahan kahapon.
Sinabi pa ng opisyal na isang batang edad 11 ang nakaranas ng adverse reaction.
Aniya, nagpantal ang braso ng bata ngunit nakauwi rin naman ito kalaunan.
Una ng sinabi ng DOH na target nitong mabakunahan ang mahigit 15 milyong mga batang edad 5 hanggang 11.