Sumampa na sa 9, 836 pamilya ang naapektuhan ng pagbaha sa Maguindanao.
Ito ay matapos umapaw ang ilog ng Rio Grande de Mindanao bunsod ng naranasang malakas na pag-ulan.
Ayon sa Balumol Kadiding, opisyal mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management, kabilang sa naapektuhan ang Barangay Batungkayo, Bulit, Bulod, Dungguan, Limbalod, Maraidagao, Nabundas, Pagagawan, Talapas, at Talitay.
Pero nakauwi na ang mga residente na nakatira sa nabanggit na lugar matapos tuluyan nang humupa ang baha.
Dalawang bahay malapit sa ilog ang nasira ng baha kung saan maraming pananim ang napinsala.
Patuloy naman ang pamamahagi ng food packs ng LGU sa mga apektadong residente.