Inaasahan ng Department of Health na makakapag-angkat ng halos 10,000 vials ng Tocilizumab bago matapos ang buwan ng Setyembre.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque, III, patuloy silang naghahanap ng suplay ng naturang gamot na ginagamit sa mga COVID-19 patient.
Bukod dito, nakikipag-ugnayan na rin gobyerno sa ambassador sa Switzerland para sa karagdagang suplay ng Tocilizumab.
Ang naturang pharmaceutical company na gumagawa ng Tocilizumab, ay nakabase sa Switzerland.
Ayon pa sa kalihim na habang kulang ang suplay ng Tocilizumab, mayroong ibang gamot na maaring gamitin bilang kapalit para sa COVID-19 tulad ng Baricitinib.
Samantala, unang inihayag ng DOH na ang suplay ng Tocilizumab ay inaasahang magiging limitado lamang hanggang sa buwan ng Disyembre.