Halos 12% lamang ng intelligence fund ang nagamit ng PNP.
Ayon ito sa Commission on Audit na nagsabing batay sa kanilang report nasa mahigit P86 million lamang mula sa P722. 95 million ang nagamit ng PNP na share nito bilang miyembro ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict nuong 2020.
Ipinabatid ng COA na sa halos P723 million na ipinalabas sa PNP, 33% lamang o nasa halos P241 million ang nai-commit sa national headquarters at regional offices nito kaya’t mayruong pang halos P483 million na tinaguriang unobligated balance.
Mula naman sa nagamit na mahigit P86 million halos 36% ang nagamit para sa pagbili ng mga pangangailangan ng PNP.
Hindi naman nasabi sa report ng COA kung bakit ang malaking bahagi ng 2020 NTF-ELCAC funding para sa PNP ay unobligated at ang mas malaki pang bahagi ng allocated funds ay hindi nagastos.