Umabot na sa halos 12 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang naiturok na sa buong bansa.
Sinabi ni National Task Force Deputy Chief Implementer at Testing Czar Sec. Vince Dizon na nasa 11, 708, 029 doses ng bakuna ang na-administer na sa bansa.
Nasa 8, 838, 124 na indibidwal ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang nasa 2, 868, 905 ang fully vaccinated na.
Ayon kay Dizon, patunay ito na puspusan ang pagbabakuna ng pamahalaan, sa tulong ng mga local government units at pribadong sektor.
Target ng gobyerno na mabakunahan ang 70 milyong pilipino para makamit ang population protection. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico