Halos 12,000 deadly weapons na ang nakumpiska ng PNP o Philippine National Police mula nang ipatupad ang election gun ban noong ika-13 ng Enero para sa 2019 midterm elections.
Batay sa inilabas na datos ng PNP, mahigit 1,700 katao na ang naaresto sa kanilang “focused police operations” mula nang ipatupad ang election gun ban hanggang ika-20 ng Pebrero ngayong taon.
Karamihan sa mga naaresto ay mga sibilyan.
Kabilang din sa mga naaresto ay mga security guard, government o elected officials, PNP personnel, miyembro ng threat groups, AFP personnel, law enforcement agency personnel, miyembro ng private armed groups at isang miyembro mula sa Bureau of Jail Management and Penology.
Kabilang din sa mga deadly weapons na nasabat ng pulisya ang nasa mahigit 300 explosive devices.