Halos 12,000 mga bagong kaso ng HIV-AIDS ang naitala ng DOH o Department of Health noong nakaraang taon.
Bahagya anilang mataas ito kumpara sa mga naitalang kaso noong 2017.
Ayon sa HIV/AIDS Registry Ng Epidemiology Bureau ng DOH, nasa 877 bagong kaso ang na-iulat sa kanila noong Disyembre.
Ito Ang dahilan kaya’t sumampa sa 11,427 ang nadagdag na kaso ng HIV-AIDS sa buong taon ng 2018.
Apat sa mga bagong kaso ay mga buntis na mula sa NCR, regions 2, 3 at 4.
Nananatili namang nangungunang dahilan ng pagkahawa sa HIV-AIDS ang pagtatalik ng lalaki sa kapwa lalaki na umaabot sa 88 porsyento.