Ibinunyag ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang nadiskubre niyang halos 127K metriko toneladang asukal na nakatengga lang sa mga bodega sa bansa.
Ayon kay Zubiri, nakaimbak ang mga asukal sa mga 40 footer container vans sa Metro Manila at ilan pang traders.
Iniipit anya ang mga ito at tila nais pang magkaroon muna ng artificial shortage ang bansa bago ilabas.
Samantala, ibinunyag din ng Senador na batay sa kaniyang nakalap na impormasyon ay umaabot sa P50 hanggang P100 ang kickback o patong na nakukuha ng mga tiwaling opisyal ng DA sa kada sako ng asukal na ipinapasok sa bansa.
Sa ngayon, pursigido pa rin si Zubiri na imbestigahan ang paglalabas ng Sugar Regulatory Administration ng resolusyon para makapag-angkat ng 300, 000 metric tons ng asukal.