Aabot sa mahigit 12,000 pamilya, na katumbas ng 48,000 indibidwal ang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development, ang mga apektadong pamilya ay nagmula sa 58 barangay sa Negros Island.
Sinabi ni Social Welfare Assistant Secretary Irene Dumlao na umabot na sa mahigit 131 million pesos ang naipamahaging humanitarian assistance ng ahensya, na kinabibilangan ng food at non-food items.
Kaugnay nito, nanawagan ang DSWD ng dagdag na mga volunteer sa kanilang hub sa Pasay City upang tumulong sa paghahanda ng mga family food pack.