Inihayag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Irene Dumlao na halos isandaan at 30 milyng piso na ang naipamahagi ng kanilang ahensya sa mga biktima ng pananalasa ng bayong Odette.
Ayon kay Dumlao, mahigit 99 million ng pondo ay inilaan sa food and non-food items habang 30 million naman ang halaga ng ibinigay na tulong sa Local Government Units (LGU).
Sa kabila nito, inamin ni Dumlao na wala pang pinansiyal na tulong na ibinibigay ang kanilang ahensya dahil nakatuon sila ngayon sa mga hakbang upang tugunan mga apektadong pamilya.—sa panulat ni Angelica Doctolero