Nasa halos isang daan at tatlumpung libong(129,782) drayber ng pampublikong sasakyan na ang nakatanggap ng anim na libo’t limang daang pisong fuel subsidy.
Ito ay katumbas ng higit 840 milyong piso.
Ayon sa transport group na pinagkaisang samahan ng mga tsuper at Operator Nationwide (PISTON), 10% pa lamang sa 40 libong miyembro nila sa Metro Manila ang nabigyan ng fuel subsidy.
Sa kabuuan, nasa 264,578 ang mga benepisyaryo ng naturang subsidiya sa ilalim ng programa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), habang mayroong 27,777 delivery service beneficiaries sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI).