Inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot na sa halos 14K indibidwal ang apektado ng pagputok ng Bulkang Bulusan.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, ang 13,920 indibidwal ay katumbas ng 2,784 pamilyang apektado ng phreatic eruption at ashfall sa Sorsogon.
Kabilang sa mga apektadong residente ay mula sa mga Munisipalidad ng Juban, Irosin, at Casiguran na lubhang naapektuhan ng pagputok ng bulkan.
Samantala, nagpaalala naman sa mga residente ang NDRRMC na maging maingat sa pagpasok sa two-kilometer radius extended danger zone.
Sa ngayon, patuloy paring ipinagbabawal ng NDRRMC ang pag-access sa four-kilometer radius permanent danger zone sa paligid ng bulkan.