Umabot na sa halos 150 cases ng mosquito-borne chikungunya virus ang naitala sa bansa ngayong taon.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), nasa 149 na mga kaso ng nasabing virus ang naitala mula noong January 1 hanggang June 11.
Mas mataas ito ng 263% kumpara sa 41 cases na naiulat sa kaperehong period noong nakaraang taon.
Karamihan naman sa mga kaso ng chikungunya ay naitala sa CALABARZON na may 49 cases, sinundan ito ng Central Visayas na may 38 cases, Davao Region na may 25 cases, Western Visayas na may 15 cases at Soccsksargen na nakapagtala ng 7 cases.
Samantala, kabilang sa mga karaniwang sintomas ng naturang virus ang lagnat, joint pain, joint swelling, rashes at iba pa.