Hindi bababa sa 150 balyena ang patay matapos ma-istranded sa baybayin ng Australia.
Agad na nagkasa ng rescue operation ang Australian authorities matapos na madiskubre ng isang mangingisda ang mga naistranded na balyena.
Gayunman, naging pahirapan ang pagbabalik sa dagat ng mga nasabing whales dahil sa sama ng panahon at panganib na dulot ng mga pating sa karagatan.
Mahigit na 140 na agad ang namatay sa loob lamang ng magdamag.
Samantala, nasa anim na mga balyena naman ang nagawang mai-rescue at maibalik sa karagatan.
Ito na ang pinakamalaking bilang ng mga na-istranded na whales sa Western Australia simula noong 1996 kung saan pumalo sa mahigit 300 ang naipit na mga balyena sa pampang.