Nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng kabuuang 14, 833 palabas at papasok na pasahero, sa lahat ng pantalan sa buong bansa.
Batay sa datos ng PCG kahapon ng umaga, parte ito ng plano para sa Holy Week na may bansag na Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2022.
Sa bilang na 14, 833, 8, 706 ang papasok na pasahero at 6, 127 ang palabas.
Nasa 2, 370 tauhan naman ng PCG ang idineploy sa iba’t ibang stations at substations sa buong bansa.
Nakapag-inspect ang mga ito ng 12 sasakyang-pandagat at 130 motorbancas. — sa panulat ni Abby Malanday