Naaresto ng Philippine National Police (PNP) ang aabot sa 15,949 hinihinalang drug personalities sa unang kwarter ng 2022.
Ayon sa PNP, 31 sa mga ito ang nasawi sa mga ikinasang police operation.
Nasabat rin ng PNP ang illegal substances na nagkakahalaga ng 1.63 billion pesos sa 12,858 na operasyon mula Enero 1 hanggang nitong Marso 31, 2022.
Maliban dito, nakumpiska rin ang 1,476 na mga armas mula sa crime groups, private armed groups, at local terrorist groups, kung saan 2,542 indibidwal ang nadakip.
Samantala, iniulat rin ng PNP na umabot sa 1,235 na miyembro ng local terrorists ang sumuko.