Patay ang 17 katao sa nangyaring pagsabog sa isang gun powder factory sa Ryazan Region, Russia.
Sa nakuhang impormasyon ng mga otoridad, nagtatrabaho ang mga manggagawa nang aksidenteng masira ang brick building na pinaniniwalang pinagmulan ng sunog at pagsabog dahilan ng pagkalat ng mga sunog na debris sa lugar.
Ayon sa Investigative Committee ng Russian Federation, nagkasa na sila ng criminal investigation sa nangyaring insidente.
Sa ngayon, inaalam pa kung magkano ang naabong ari-arian sa lugar habang nangako naman si Regional Governor Nikolay Lubimov, na hindi na mauulit pa ang ganitong klase ng pangyayari. —sa panulat ni Angelica Doctolero