Sumampa na sa 164 ang nasawi sa flashfloods at landslides sa Henan at Hebei Provinces sa China bunsod ng mahigit isang linggong pag-ulan.
Tinaya naman sa 14.7 milyong katao na ang apektado ng kalamidad kabilang ang mga mahigit kalahating milyong nagsilikas.
Ayon sa Chinese Civil Affairs Ministry, mahigit 126 na kabahayan na ang nawasak habang nasa 344,000 ang napinsala.
Pumalo naman sa 1.1 milyong ektaryang taniman ang nalubog habang lumobo sa 4.7 bilyong dolyar ang halaga ng iniwang pinsala ng flashfloods at landslides.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: Reuters