Aabot sa halos 170 residente na karamihan ay mga bata ang tinamaan ng diarrhea sa Barangay Looc sa Sibulan, Negros Oriental.
Ayon sa mga local health officials, ang diarrhea outbreak sa lugar ay dulot ng kontaminadong inuming tubig na kinukuha ng mga residente sa isang poso malapit sa isang sapa at piggery.
Nagpositibo naman sa e-coli bacteria ang water sample mula sa nasabing poso.
Namahagi na rin ng mga water sanitizers ang mga local health officials at nagsagawa na rin ng malawakang water treatment sa lugar.