NAKAPAGTALA ang Department of Health o DOH ng halos 18,000 na bagong COVID-19 recoveries (17,922).
Dahil dito, ayon sa DOH, umakyat na sa higit 1.7 milyon ang bilang ng mga gumaling sa sakit sa buong bansa.
Batay sa pinakabagong case bulletin, binanggit ng ahensya na nagkaroon ng 18,528 na bagong kaso kaya’t sumampa na sa mahigit 1.7 milyon ang total cases.
Samantala, sumampa naman sa 33,109 ang death toll kasunod ng pagpanaw ng 101 pasyente.