Halos 1K barangay ang walang paaralan sa elementarya sa Ilocos Region.
Batay sa pag-susuri na isinagawa ng Department of Education o (DEPED) regional office, 989 ang nasabing walang paaralan mula sa 3,267 barangay sa apat na probinsya rito habang mahigit 500 ang mayroong secondary school.
Samantala, ikinabahala ng kagawaran partikular na sa mga malalayong lugar ang access ng mga mag-aaral sa paaralan sa naturang rehiyon. – sa panulat ni Airiam Sancho