Iniimbestigahan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang halos 1,000 kaso ng vote buying.
Ayon kay Commissioner George Garcia, naglabas na ang ahensya ng subpoenas sa mga respondents para ipaliwanag ang umano’y vote buying incidents.
Tiniyak naman ng kinatawan sa halalan na magiging transparent ito sa publiko sa pag-iimbestiga sa umano’y iba pang kaso ng pandaraya sa eleksyon.
Una nang kinumpirma ng COMELEC ang data breach sa system ng Smartmatic, ang election technology provider nito, pero iginiit na walang kinalaman sa botohan ang nag-leak na impormasyon.