Aabot sa halos 1,000 negosyo ang napilitang nagsara matapos malugi bunsod ng pandemya.
Ayon kay Allan Abayao, Supervising Administrative Officer ng Business Permits and Licensing Office, maraming establisyimento ang naapektuhan kung saan, karamihan dito ay may kinalaman sa turismo.
Kabilang sa mga negosyong nagsara ay ang mga nasa ilalim ng accommodations, mga souvenir shops, bar, amusement, review center, paaralan, spa, salon, barber shops, laundry shop at iba pang mga establisyimento na hindi umano mahalaga ang serbisyo.
Sinabi ni Abayao na 194 na negosyo ang nagsara sa pamamagitan ng pagretiro ng kanilang mga business permit noong 2020; 428 noong nakaraang taon, at 335 noong Mayo 2022 para sa kabuuang 957 establisyimento.
Bukod pa diyan, nagsara din ang mahigit 20% ng food services o katumbas ng 6,620 sa mga business permit na inisyu noong nakaraang taon pero mas mababa ito kumpara sa 7,321 na lisensya na inisyu noong 2020 at bumaba pa rin ang bilang nito sa 5,411 noong Mayo 2022.
Ang mga business permit na inisyu ay bumaba mula 897 noong 2020 hanggang 874 noong 2021 at mababa pa rin sa 694 noong Mayo 2022.