Tinatayang higit kumulang isang libong pamilya na apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Taal ang lumikas na sa kani-kanilang tahanan.
Ayon kay Batangas Provincial Social Welfare and Development Office head Joy Montalbo, naabot na sa 498 na pamilya o katumbas ng 1,767 indibidwal ang lumikas na mula sa bayan ng Agoncillo.
Batay naman kay Municipal Disaster Risk Reduction and management Office Public Information Officer Jerwin Tambogon ng bayan ng Laurel, 479 pamilya o 1,616 indibidwal ang lumikas na.
146 pamilya o 429 indibidwal rito ang tumungo sa kanilang mga kaanak.
Paliwanag ni Montalbo, papayagan lamang ang mga evacuees na makabalik sa kanilang tahanan sa oras na ibaba na sa alert level 2 ang estado ng bulkan. – sa panulat ni Abbie Aliño-Angeles