Papalo na sa halos dalawang milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang naiturok na sa nagpapatuloy na house to house vaccination campaign ng pamahalaan.
Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nasa 811 cities at municipalities na ang nagpapatupad ng house to house vaccination.
Dagdag ni Año, nakapagtala ang Region 13 ng pinakamaraming nabakunahan sa nasabing H2H campaign na umaabot sa 477,657; sinundan ng Region 3 na mayroong 421,138.
Habang ang Region 11 naman ay aabot sa 246,249 mga nabakunahan.
Samantala, ani Año, naglabas na rin ng direktiba ang DILG sa bawat local government unit na suyurin ang bawat komunidad, sitio at kanayunan para hanapin ang mga dapat bakunahan lalo na ngayong nakapasok na ang ilang Omicron subvariant sa bansa.