Inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na halos dalawang milyong indibidwal ang apektado ng Bagyong Odette.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, 438,359 sa nasabing bilang ang nananatili sa labas ng mga evacuation center.
Aniya, mahigit 14 na milyong pisong halaga na rin ng tulong ang naibigay sa mga apektadong residente.
Samantala, sinabi ni Timbal na hindi pa nabeberipika ng NDRRMC ang mga ulat sa umano’y insidente ng looting sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.—sa panulat ni Airiam Sancho