Ipinasara ng lokal na pamahalaan sa Puerta Galera ang halos 20 establisyimento para bigyang daan ang rehabilitasyon at pagpapaganda ng isa sa mga sikat na dagat sa bansa.
Ayon kay Mayor Rocky Ilagan, sinakop na kasi ng mga gusali partikular na ng mga bar at restaurant ang nasa 10 meters na public land kaya binawi ito ng Local Government Units (LGUs).
Gagamitin kasi ang public land para magkaroon ng emergency lane sa harap ng white beach dahil malaking problema sa lokal na pamahalaan ang pagresponde sa emergency situation tulad na lamang ng sunog dahil sa kawalan ng kalsada.
Giit ni Ilagan, bago pa mag-halalan noong mayo nang makausap niya ang mga may-ari ng establisyimento kaya’t nabigyan ang mga ito ng sapat na panahon upang makapaghanda.
Samantala, nagkaroon na rin ng re-zoning kung saan inililipat na sa highway ang mga bar sa harap ng white beach.