19 na fireworks-related injuries na ang naitala ng Department of Health (DOH) ilang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.
Ayon kay Health Spokesperson Maria Rosario Vergerie, mas mataas ito ng 58% kumpara sa naitalang 12 cases noong nakalipas na taon at 67% namang mas mababa sa five-year average na 58 kaso sa kaparehong panahon.
Aniya, lahat ng naitalang kaso ay dahil sa paputok, at walang naitalang fireworks ingestion, stray bullet injuries o mga nasawi.
Sinabi pa ni Vergeire na 37% ng mga tinamaan ng paputok ay mula sa Region 6 o Western Visayas.
Muli namang pinaalalahanan ng kagawaran ang publiko na iwasan ang paggamit ng paputok sa pagsalubong ng bagong taon upang maiwasan ang mga aksidente.