Hindi bababa sa 17 katao ang nasawi matapos madiskaril ang isang tren sa bahagi ng Eastern Iran.
Batay na inisyal na ulat ng mga otoridad, may lulan ang tren na mahigit 400 pasahero, kung saan tatlumpung iba pa ang sugatan.
Agad namang nag-deploy ng rescue units sa pinangyarihan ng aksidente.
Inaasahang madadagdagan pa ang death toll dahil sa nagpapatuloy na search and rescue operations.