Nasa 18 Filipino athletes ang lalahok sa Thailand Open Track and Field Championships sa susunod na linggo.
Sisimulan ang kompetisyon sa darating na November 28 na tatagal hanggang sa December 1, 2022 sa National Athletics Center sa Samkhog District, Pathumthani Province ng nabanggit na bansa.
Matatandaang napili ang mga manlalaro batay narin sa kanilang ipinakitang performance sa finals ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) weekly relay series na nagsimula noong buwan ng Agosto.
Layunin nitong maiuwi ng mga atleta ang mas maraming gintong medalya para sa panibagong karangalan ng Pilipinas.