Inalisan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng “supervisory powers” sa lokal na kapulisan ang 189 na alkalde at gobernador sa bansa.
Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, pawang mga alkalde ang karamihan dito habang ang iba ay mga gobernador.
Marami aniyang dahilan kung bakit tinanggalan ng supervisory powers ang naturang mga lokal na opisyal na hindi pa pinangalanan.
Kabilang aniya rito ang pagkakasangkot sa iligal na droga at mga teroristang grupo.
Ani Malaya, magsasagawa pa ng masusuing imbestigasyon sa naturang mga opisyal at saka isasapubliko ang pangalan ng mga ito.