Halos 200 empleyado ng munisipyo ng Looc sa Romblon ang naka-quarantine dahil sa COVID-19.
Dahil dito, ayon kay municipal mayor Lisette Arboleda, paralisado ang operasyon ng kanilang munisipyo.
Aniya, naka-quarantine ang lahat ng department heads habang nagpositibo naman ang ilan sa mga ito.
Kahit negatibo na aniya sa COVID-19 ang karamihan, kailangan pang tapusin ang quarantine kaya’t pilay ang operasyon ng pamahalaang lokal, kabilang ang kanilang palengke.
Maliban dito, sinabi ni Arboleda na naka-lockdown din ang bagong munisipyo hanggang sa Abril 19.