Pinaalis ng mga otoridad ang halos 200 miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) sa ilang mga pabahay sa Pandi, Bulacan.
Ito ay matapos nilang ilegal na okupahan ang mga pabahay sa naturang lugar.
Nakuha ang impormasyon matapos makatanggap ang pulisya ng reports na kahit ang mga hindi pa tapos na bahay ay inookopahan na.
Pinuntahan agad ng mga otoridad ang mga bahay at maayos namang nakipag-usap ang mga miyembro ng grupo.
Pagkatapos ng ginawang operasyon ay halos 1,000 miyembro ng KADAMAY ang tumiwalag dahil pinagbayad umano sila ng P10,000 para sa naturang pabahay.
Sa ngayon ay hinihikayat na ng mga tumiwalag ang iba pang miyembro na kumalas na rin sa samahan.