Halos 200 Local Chief Executives ang tinanggalan ng police powers mula nang maupo ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa DILG 178 ang alkalde at walo ang provincial Governors ang inalis ng police power dahil sa umano’y ugnayan sa kalakalan ng iligal na droga at kabiguang tugunan ang terorismo.
Sinabi pa ni DILG OIC Eduardo Anio na Isandaan at Limamput Anim na local official ang sinuspinde o sinibak dahil sa grave misconduct, serious dishonesty, neglect of duty, conduct prejudicial to the best interest of the service, abuse of authority at mga iregularidad.
Malaking tulong aniya ang pakikipag ugnayan ng DILG sa civil society organizations at regional dialogues sa mga komunidad para matiyak na ginagawa ng local government units ang kanilang trabaho.