Naglatag ng halos 200 Note Verbale ang Pilipinas laban sa China matapos ang mga aktibidad na ginagawa ng mga Chinese Coast Guard (CCG) na namataan sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS) kamakailan.
Nabatid na ilang piraso din ng rocket debris ang natagpuan ng Philippine Navy sa Pag-Asa Island nito lamang November 20, kung saan, naglabas ng resolusyon ang Senado na kumokondena sa paglusob ng CCG sa teritoryo ng Pilipinas.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Teresita Daza, nasa 193 Note Verbale ang naipadala ng Marcos Administration dahil na rin sa ginagawang pambubully ng mga barko ng China.
Una nang naghain ng Diplomatic Protest ang Pilipinas noong December 12, dahil umano sa pag-angkin ng China sa pinag-aagawang teritoryo.
Matatandaan ding isinapubliko ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang planong pagbisita sa China sa susunod na taon para makipagpulong kay President Xi Jinping upang talakayin ang usapin sa WPS.