Pumalo pa sa 195 ang bilang ng mga batang nasawi sa Indonesia dahil sa kidney failure o epektong idinulot ng mga nakakapinsalang sangkap na matatagpuan sa mga syrup medicines.
Ayon kay Health Ministry Spokesman Mohammad Syahril, karamihan sa mga nasawi ay mga batang edad 5 pababa.
Sa nabanggit na bilang, higit 200 ang naitala sa mga probinsya habang 27 ang nananatili pa rin sa ospital.
Simula noong Agosto, nakitaan na ng pagtaas ang kaso ng acute kidney injury sa Southeast Asia, dahilan para imbestigahan ang lahat ng ibinebentang syrup medicine.