Daan-daang driver ng mga pampublikong sasakyan ang nasita ng mga otoridad sa unang araw ng implementasyon ng 70% seating capacity sa mga Public Utility Vehicles o PUV’s.
Isinagawa ng Inter-Agency Council for traffic ang operasyon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon, kung saan ilang oras pa lamang ito naipatutupad ay halos 200 PUV’s na ang kanilang nasita.
Kabilang sa mga nasita ay mga pampasaherong jeep, bus at UV express na nakitaang lumagpas sa pinapayagang capacity ng mga pasahero.
Ngunit dahil unang araw ng implementasyon ng increased passengger capacity, ay binalaan muna ng mga otoridad ang mga PUV’s at sa susunod na mga araw ay titiketan na ang mga violator.—sa panulat ni Hya Ludivico