56 ang patay habang 194 ang sugatan matapos ang suicide bombing sa Shi’ite Muslim Mosque sa Pakistan.
Ayon sa opisyal na si Senior Police Haroon Rasheed, isang armadong lalaki na sakay ng motorsiklo ang dumating malapit sa mosque at nagpaputok ng baril ng siya ay harangin ng mga pulis, bago pilit na pumasok sa isang bulwagan at pinasabog ang kanyang suicide vest.
Sinabi pa ni Rasheed na unang umatake ang nasabing armadong lalaki at binaril ang isang gwardiyang pulis na sanhi ng agaran nitong pagkamatay.
Samantala, ang pag-atake ay isa sa mga pinakakarumal-dumal na pangyayari ng taon sa Shi’ite minority ng Pakistan na matagal nang tinatarget ng mga militanteng Sunni Muslim Islamist, kabilang ang Islamic State at Pakistani taliban na tumanggi sa pagkakasangkot sa naturang insidente. -sa panulat ni Airiam Sancho