Muling nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ng mga pagyanig sa Mt. Kanlaon sa Negros Island.
Aabot sa 197 ang na-monitor ng volcanic earthquakes kung saan 195 sa mga ito ay micro-earthquakes o mahihinang pagyanig lamang.
Maliban dito, nakita rin na may lumalabas pa rin na usok sa crater ng naturang bulkan.
Nananatili namang nakataas ang alert level two sa Mt. Kanlaon lalo na at dati na itong nagbuga ng abo noong nakalipas na taon.
—-